ISANG KAHIG, ISANG TUKA, BAKIT PALAGI NALANG NANGANGAPA?





ISANG KAHIG, ISANG TUKA, BAKIT PALAGI NALANG NANGANGAPA?

Alam natin na ang kahirapan ang isa sa pinakamabigat na suliranin sa bansa. Dahil marami sa ating mga Pilipino ang walang trabaho at naninirahan lamang sa tabi ng kalsada at walang tirahan at yung iba naman ay nakatira sa squater’s  area  na malapit sa tapunan ng basura, kadalasan sa atin ay sinisisi ang pamahalaan sa maling pamamalakad nila. Pero ang tanong, Sila lang nga ba ang dapat sisihin sa kahirapan ng karamihan sa atin ngayon?  O sadyang ang ilan sa ating mga Pilipino ay sadyang ayaw lang magtrabaho para kumita ng pera. Na tila ba mas gusto pa natin na manlimos nalang sa tabi ng kalsada at maghintay na may mag-aabot sa atin ng pera kaysa sa magpursige sa trabaho para makabili ng pangtustos sa pang araw-araw na pangangailangan.

Isa sa pinaka dahilan ng kahirapan sa bansa ang hindi paghahanap ng trabaho sa karamihan sa mga Pilipino. Pero sa kabila nun, marami pa rin sa mga pinoy ang patuloy na nagpupursige kahit isang kahig, isang tuka ang kanilang estado sa buhay. At dahil sa nakagisnang pamumuhay dito sa bansa, ang ilan sa atin ay napipilitan nalang na magtrabaho sa ibang bansa kahit masakit sa kanilang kalooban na lumuwas pa ibang bansa ay pinipili pa rin nilang ituloy ito para makaraos. Kahit na ang kapalit nito ay ang matagal na panahon na pagkakawalay nila sa kanilang pamilya. At ang pagkakalayo ng loob ng kanilang mga anak sa kanila. Wala silang magagawa kundi kapit sa patalim para makaahon sa pagkakalugmok nila sa kahirapan. Anu- ano nga ba ang dahilan ng paghihirap ng mga tao sa ating bansa? Ang pinakauna at pinakamatinding dahilan ng kahirapan sa bansa ay ang korupsyon, at makikita naman natin sa mga balita na ang karamihan sa mga nasa matataas ang posisyon ay ang mga taong kumukuha o nagnanakaw sa pera na dapat ay sa mga mahihirap mapupunta. Ang pangalawa  ay ang Imperialismo o ang panankop ng mga dayuhan sa mga Pilipino na siyang naghari sa ating bansa sa maraming taon. At magpahanggang ngayon ay patuloy na nakikialam ang ibang bansa sa pamamalakad ng gobyerno sa Pilipinas. Ang susunod ay ang Pyudalismo  o ang pagmamay- ari ng mga mayayamang pamilya sa mga malalaking ektaryang lupain. Imbes na ang mga magsasaka ang        
magkakaroon ng malaking benepisyo sa kanilang sakahan o pananim ay napupunta ito sa mga mayayamang nasa posisyon na patuloy pa rin sa pagyaman.



At dahil sa mga nabanggit na sanhi ng kahirapan sa bansa; nagkakaroon ng malaking epekto sa kalusugan at pag- aaral ng mga kabataan. Dahil wala ng pangtustos sa pag- aaral ang mga magulang nila dahil; kulang ang pera pambili ng pagkain at naaapektuhan din ang kalusugan ng mga bata. Imbes na ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Paano ito magkakaroon ng magandang kinabukasan kung ang mga magulang ay lugmok sa kahirapan dahil ang perang dapat sana sa mga mamamayang Pilipino ay kinuha ng ilan mismo sa mga corrupt na opisyal sa gobeyerno. Paano tayo uunlad? Paano makakaahon sa kahirapan ang mga Pilipinong lugmok sa kahirapan? Dapat sana ay mas inuuna ng gobeyerno na bigyang pansin kung paanong wala ng mga Pilipino ang nagugutom, at may mga sapat tirahanat ang mga kabataan ay pumapasok sa paaralan. Hindi yung nakatambay lang sa kalye. Yan sana ang pagtuunan ng pansin ng mga nasa tungkulan bago ang iba pang mga isyu.

Comments

Popular posts from this blog