Posts

Showing posts from September, 2017

ISANG KAHIG, ISANG TUKA, BAKIT PALAGI NALANG NANGANGAPA?

Image
ISANG KAHIG, ISANG TUKA, BAKIT PALAGI NALANG NANGANGAPA? Alam natin na ang kahirapan ang isa sa pinakamabigat na suliranin sa bansa. Dahil marami sa ating mga Pilipino ang walang trabaho at naninirahan lamang sa tabi ng kalsada at walang tirahan at yung iba naman ay nakatira sa squater’s  area  na malapit sa tapunan ng basura, kadalasan sa atin ay sinisisi ang pamahalaan sa maling pamamalakad nila. Pero ang tanong, Sila lang nga ba ang dapat sisihin sa kahirapan ng karamihan sa atin ngayon?  O sadyang ang ilan sa ating mga Pilipino ay sadyang ayaw lang magtrabaho para kumita ng pera. Na tila ba mas gusto pa natin na manlimos nalang sa tabi ng kalsada at maghintay na may mag-aabot sa atin ng pera kaysa sa magpursige sa trabaho para makabili ng pangtustos sa pang araw-araw na pangangailangan. Isa sa pinaka dahilan ng kahirapan sa bansa ang hindi paghahanap ng trabaho sa karamihan sa mga Pilipino. Pero sa kabila nun, marami pa rin sa mga pinoy ang patuloy na...